Mariel Rodriguez nagalit sa mga netizen na idinadamay ang kanyang anak sa issue ni Robin sa PGT
Sa isang Instagram post, umalma ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez sa pagkakadawit ng kanilang anak sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang asawa sa isang episode ng Pilipinas Got Talent noong Sabado, January 13.
Sa nasabing episode, pinagsabihan ni Robin ang Korean contestant na si Kim Jiwan na may sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas ngunit hindi pa raw umano ito marunong magsalita ng tagalog.
Sabi ni Robin kay Jiwan, "Hijo, Pilipinas Got Talent. Mag-Tagalog ka kasi magmumukha kaming katawa-tawa kung mag-i-Ingles kami dito para sa iyo.”
Dahil rito ay mga mga netizen na hindi natuwa sa inasal ni Robin at ang ilan ay idinamay pa ang kanilang anak ni Mariel dahil ipinanganak raw ito sa America.
Basahin ang buong Instagram post ni Mariel sa ibaba:
“Our cable was down over the weekend and I have been so busy taking care of my baby that I only had the chance to watch the clip of PGT today.
In my opinion Robin was being true to himself. Si Robin magpapakamatay yan para sa Pilipinas... si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid... sa mga Pilipino. Ganun si Robin. It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country... pero pagkatapos ng pagibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan, more than family more than self more than anything (except God) pinaka mahal ni Robin ang Pilipinas.
If you watch the whole clip he was being a very fair judge when it came to the talent of the korean contestant. He humbled himself and said “pasensya ka na” even added “isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo” so ano ba ang ikinakagalit niyong lahat? Dinamay niyo pa yung anak kong inosente! Okay lang na mag labas kayo ng mga opinion niyo no problem kasi opinion niyo yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. no mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are. I learned that in Islam it is all about your INTENTIONS... and Robin did not have any intention to cause anyone pain but you guys sending hate our way even including my child is purely intentional so goodluck sa inyo in your afterlife.
While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS! And no your bad comments are not welcome on my page. To my husband... we stand by you 100%.”
***
Source: Instagram
Leave a Comment