Former AF Chief Napeñas to Aquino: "SINUNGALING! Walang b*yag na harapin ang kanyang responsibilidad."


Former PNP Special Action Force (SAF) Getulio Napeñas and Ex-President Noynoy Aquino / Photo credit to the owner

Sa isang exclusive interview kay former PNP Special Action Force (SAF) Getulio Napeñas, hindi raw totoo ang mga sinabi ni dating Pangulong Noynoy Aquino patungkol sa Mamasapano operation noong 2015.

Ayon kay Napeñas, wala raw silang binago sa ipinakita nilang plano kay Aquino.



Wala kaming binago. Iyan ngayon lang lumalabas iyang binago na plan,” sabi ni Napeñas.

Dagdag pa nito, binilinan raw ni Napeñas, sina Gen. Alan Purisima at Aquino na oras na makatunog ang mga kalaban, malalaman ito ng buong barangay.

Dito namin kailangan iyong suporta ng 6th Infantry Division or iyong military, tulungan kami sa paglabas at iyan ang alam na alam din ni General Purisima kaya ang sagot niya sa akin noon, ako na ang bahala kay [AFP Chief General Gregorio] Catapang. Binigyan niya ako ng assurance, naniwala ako sa sinabi ni General Purisima,” sabi ni Napeñas.

Itinago nila itong operasyon na ito. Silang tatlo, si PNoy, si Gen. Mendez at saka si Gen. Purisima. Hindi nila ipinaalam kay Gen. Espina. Hindi nila ipinaalam kay Secretary Roxas. Hindi nila ipinaalam kay Gen. Catapang,” dagdag ni Napeñas.

Hindi rin daw totoo na kinuhang consultant lang si Gen. Purisima dahil present daw siya simula pa sa umpisa ng plano.

Sinabihan ako ni Gen. Purisima, ‘Oh, pumunta tayo sa Malacañang, mag-present tayo ng oplan.’ Consultant ba iyon? Eh siya nag-aarrange eh. Nakita mo na? Sino nagsasabi ng totoo? Ako o si PNoy?” sabi ni Napeñas.



Sa press briefing ni Aquino kahapon, November 10, masama raw ang loob nito dahil siya ang sinisisi sa pagkamatay ng SAF44.

Dagdag pa nito, siya ay nabiktima lamang ng pambobola ni Napeñas dahil nagtiwala ito sa kanya.

Sinabihan pa raw umano ni Aquino si Napeñas na huwag ng ituloy ang plano kung pagtutulungan lang silang mapatay ng kalaban.

“’Yung sama ng loob… Ano ba masama sa utos ko sa’yo na kakaunti kayo, delikado mapintakasi. Manigurado ka, use sufficient force para sindakin ang iba. Anong mali doon na ipreserve lahat ng buhay nila at pati na rin ng kalaban,” sabi ni Aquino.

Inaalis ko ba sa akin ang sisi? Hindi, naloko ako eh. Hindi namin natunugan na susuway dun sa usapan at sa utos. Wala akong atraso sa kanila, kung may utang sila sa akin, tanungin natin sila… Napeñas in particular,” dagdag pa ni Aquino.

Ayon kay Napeñas, mas masama raw ang loob niya at ng buong SAF kay Aquino dahil sinira umano nito ang kanyang buhay sa paglalagay sa kanya sa alanganin.

Ako ang ginawang sacrificial lamb dito. Ako ang nilagay nila sa alanganin. Sinira niya ang buhay ko! Iyan ang katotohanan dyan. Kung masama ang loob niya samin mas masama at mas masahol ang sama ng loob ng buong SAF sa kanya!” galit na sabi ni Napeñas.

Maalala mo nung pumunta siya sa SAF, hindi siya inimik ‘di ba? Even Sec. Roxas, walang umimik? Kita mo. Kung may namatay sa sama ng loob at saka mura, patay na siya saken,” dagdag pa niya.

"Kung nangyari lang ito nung panahon ni Pres Duterte, tapos na ‘yan. Nagkataon na iyong presidente noon na si PNoy eh walang b*y*g na harapin ang kanyang responsibilidad. Ipinag-utos, ipapasa niya sa iba ang responsibilidad at sisi,” sabi ni Napeñas.


***
Source: News5

1 comment:

Powered by Blogger.