SINADYA? Operasyon ng MRT-3, posibleng sinabotahe - DOTr
Napilitang maglakad ang mga pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT) matapos humiwalay ang isang bagon mula sa ibang bahagi ng tren nitong Huwebes, Nobyembre 16, 2017.
Naiwan ang isang bagon sa pagitan ng Ayala at Buendia station, at dahil dito ay kinailangan maglakad ng 130-140 pasahero papunta sa susunod na istasyon ng tren.
Samantala, naniniwala ang Department of Transportation na posibleng may nanabotahe sa mga operasyon nila.
Ayon kasi sa Safety Chief Technician ng MRT-3 na si Ruel Jose, hindi niya nahanap ang Messma Card o yung device na gumagana tulad ng black box sa eroplano.
Photo credits to the owner
Ang black box o Messma Card ay may kakayahan na i-record ang lahat ng mga pangyayari sa operasyon ng isang mass transit system upang makatulong ito sa imbestigasyon sa hinaharap.
"Imposibleng magkahiwalay ang coupler kung walang human intervention," sabi ni Ruel.
Ayon kay Ruel, wala siyang nakikitang rason kung bakit naghiwalay ang coupler ng tren o yung bahagi na nagdurugtong sa mga bagon maliban nalang kung sinadya itong tanggalin.
Dahil diyan ay kinwestyon ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez kung sino ang may motibo, oportunidad at may kakayahan na tanggalin ang black box ng tren.
"We ask: What is the motive? Who has the capability of removing the black box? Was this an attempt to cover up a mistake on the operation of Train No. 5? Or was there an effort to sabotage the entire operation?" nakasaad sa DOTr statement.
Samantala, pinag-iisipan umano ng DOTr na pansamantala munang itigil ang operasyon ng MRT ngunit iniisip rin nila ang magiging kondisyon ng mga commuters na umaasa sa dito araw-araw.
“Basta sa pagsisikap at kasiguruhan ng technical team na ligtas pa rin ang pagsakay sa MRT, tuloy pa rin ang byahe. Bagamat nand’yan pa rin ang option na itigil pansamantala ang operation kung ito na talaga ang nararapat na gawin,” saad ni DOTr chief Secretary Arthur Tugade.
“The DOTr and the MRT-3 management understand the public’s dismay. We hear you. We are not belittling the magnitude of the problem, but, we assure the public that the maintenance team is doing all it can, and working overtime to ensure the safety of the entire system,” sabi ng DOTr.
“The MRT-3 problem is not easy. We acknowledge that it cannot be solved overnight. But, the government is not giving up. The DOTr will not give up. We will do our best until the Filipino people get the service they deserve.”

***
Source: Interaksyon
Leave a Comment