Bangko para sa mga overseas Filipino, magbubukas sa January 20, 2018


Magbubukas na ang Overseas Filipino Bank (OFB) sa January 20, 2018 na papalit sa Philippine Postal Savings Bank (PPSB).


"More than one month from now, we will be launching the Overseas Filipino Bank," sabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pulong balitaan nitong Huwebes.

Ang pagbubukas ng bangko para sa mga OFW ay ayon umano sa  Executive Order No. 44 na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre na nag-aatas na ilipat sa Land Bank ang PPSB, gawing OFB.

"Nung 1972, late 70's, early 80's hanggang late 80's, palaging 'yan ang pinapangako ng bawat pinuno ng Pilipinas. OF Bank, OF Bank. Ngayon lang naging realidad itong OF Bank," sabi ni Bello.

Sinabi ni Bello na inirekomenda niya na isang land-based OFW, isang sea-based OFW, at si Philippine Overseas Employment Administration head Hans Leo Cacdac, ang maging kinatawan sa board ng OF bank. 

***

No comments

Powered by Blogger.