Employer ng babaeng nanampal ng taxi driver, nagsalita na


Nagsalita na ang VXI Global Holdings B.V., isang Business Process Outsourcing (BPO) company na pinagtatrabahuhan ng babaeng nagviral sa social media dahil sa pananakit umano sa nakaalitang taxi driver.


Ayon sa VXI, batid nila ang insidente pero hinahayaan na nila sa mga awtoridad ang paghawak sa kaso ni Cherish Interior.

"The incident occurred when the employee was on personal time and was not doing any work for VXI. We leave it to the appropriate authorities to handle the case," ayon sa VXI sa isang pahayag na inilabas Lunes ng gabi.

Sinabi ng VXI na kahit hindi sila konektado sa nangyaring road rage, walang lugar sa kompanya ang ganitong mga klase ng pag-uugali mula sa kanilang mga empleyado.



Si Interior, na tinukoy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang babaeng nabidyuhang nanampal sa 52 anyos na taxi driver na si Virgilio Doctor.

Ayon sa video, lumabas sa loob ng taxi si Virgilio dahil tumaas ang presyon niyo habang sinisigawa at minumura siya ni Interior.

Pormal na ring isinampa ni Doctor sa Quezon City Prosecutor's Office ang kasong unjust vexation, slight physical injuries, at malicious mischief laban kay Interior. 


Hinahanap pa rin ng LTFRB si Interior para makuhanan ng pahayag.

***
Source: ABS-CBN News

No comments

Powered by Blogger.