Mark Anthony Fernandez finally breaks his silence on rumors that he impregnated two lady officers in jail


Nagsalita na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez patungkol sa balitang kumalat sa social media na diumano ay nabuntis at naanakan niya ang dalawang policewomen habang nakakulong siya sa Pampanga Provincial Jail.


I was a victim of fake news.

Sana po totoo, pero hindi po totoo. Ang gaganda po, e. Ang gaganda po nila. They're not even my acquaintance. It's not true. They were beautiful." 

"Fake news po yun. Actually, si Miss Clau [Claudine Barretto] ang nagbanggit sa akin na, 'Uy, nasa news ka. I-check mo.'


“Wala po talagang nangyari. Hindi totoo. Nagawan lang ng isyu, nagawan lang ng kuwento."



Isang taon at tatlong buwan nakulong si Mark sa Pampanga Provincial Jail dahil sa marijuana possession.

Noong December 22, 2017 ay nakalaya ang 39-year-old actor. 

"Naluha ako, tapos nagdasal muna ako. Nagyakapan kami ng lawyer ko, si Attorney Sylvia Flores, tapos nagpaalam ako sa inmates ko."

Humingi rin daw ng tawad si Mark sa kanyang ina na si Alma Moreno.

"Nag-sorry ako, paulit-ulit, last year pa. Sabi ko, 'Pasensiya na sa mga perhuwisyo, sa mga kasalanan ko sa 'yo. Ipinapangako ko, hindi na mauulit.'"


Pinagsisihan daw niya nang husto ang nangyari at walang araw na hindi siya malungkot sa 15 buwang pagkakakulong.

"Yung buong stay ko doon, yung buong time ko doon was the lowest moment of my life. Pero come to think of it, kahit papaano, napatigas niya ako. Pero yun ang lowest moment ng buhay ko. Every day was a sad day. Yung buong kontrobersiya, yung buong nangyari sa akin, pinagsisihan ko. Mas mag-iingat na ako kapag lumalakad."

Nilinaw rin ni Mark ang dahilan kung bakit siya nahulihan ng marijuana noong October 3, 2016.




"Bale nagma-marijuana ako dati, hindi dahil addict ako. Ginagamit ko yun para sa medical purposes. Ginagamit ko yun para sa sakit ko na bulimia. Nagkasakit ako ng bulimia. Isinusuka ko yung mga kinakain, tulad ng sakit ni Karen Carpenter. Bulimia muna ang sakit niya na naging anorexia nervosa."

Nagpapasalamat si Mark kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films at kay Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artists Agency dahil sa malaking pagkakataong ibinigay sa kanya para makabalik siya sa showbiz.

Lalabas si Mark sa Kapamilya primetime teleserye na “Ang Probinsyano” at mapapanood din siya sa upcoming episode ng “Maalaala Mo Kaya.”

***

Source: Kami

No comments

Powered by Blogger.