Mocha girls ipinagtanggol ang kanilang lider: “Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT?"


Pagkatapos ng mainit na isyu sa pagbibigay ng award kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ng University of Sto. Tomas Alumni Association, muli nanamang siyang naging sentro ng batikos dahil sa pagkakamali niya kung saan matatagpuan ang bulkang Mayon.


Sa kanyang Facebook live video, ipinaliwanag ni Mocha kung bakit ibinalik niya ang award na ibinigay sa kanya ng UST Alumni Association.

Doon rin binatikos din Mocha ang kanyang mga kritiko sa paglilihis diumano ng kanilang atensiyon sa mga importanteng isyu ngayon sa bansa.

Habang binabanggit ni Mocha ang isyu sa pagiging aktibo ng Mayon Volcano, nagkamali ito sa lugar na sinabi kung saan ito matatagpuan.



Sabi ni Mocha: “Ginagamit po ng ilang mga tao ang issue na ito, itong maliit na issue sa award para pagtakpan yung issue ng Dengvaxia, issue ng pagtanggap diumano ni Senator Drilon ng pera galing kay Napoles, at ang pinakamahalaga pa yung nangyayari sa Naga, 'yang pag-aalburuto ng Mayon Volcano, dapat doon po nakatuon ang ating mga balita.”

Agad na naging viral ang kanyang video at umani ng mga batikos at biro mula sa netizens.

Kabilang sa nagbigay ng reaksiyon ang celebrities tulad nina Lea Salonga, Enchong Dee, at Ethel Booba.

Sa kanyang Twitter account, pabirong sinabi ni Enchong, na tubong-Naga City, "Makauwi nga sa probinsya ko... balita ko may bago kaming bulkan #NagaCity"


Patawa namang inugnay ni Ethel ang pagkakamali ni Mocha sa isyu ng Pilipinas at China sa Spratly Islands.

Aniya, “Sa sobrang gulo ng Pilipinas yung mga lupain natin naglilipatan na. Spratlys lumipat na sa China sunod yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!

Sabi naman ni Lea, “With all due respect, we can’t change geography. That is all.

Sa bagong video ni Mocha agad namang niyang inamin ang kanyang pagkakamali.

Samantala, ipinagtanggol naman ng Mocha girls ang lider ng kanilang grupo.

Sa kanilang Facebook page, nag-post ang Mocha Girls ng screenshot ng post ni Enchong at personal na inatake ang Kapamilya actor.

Ayon sa post, “Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT?

“Ganito po kasi ang nangyari, nagkamali si ate mocha sa fb live niya na sinabi niya na ang mayon volcano ay nasa naga, humingi na sya ng sorry sa pgkakamali nya pero ang mga bashers binully pa rin sya kasama na dyan si enchong.


“Kaya yan po ang tanong namin.”


***
Source: PEP

No comments

Powered by Blogger.