Sunshine Cruz natangayan ng P2-M na kanyang kaibigan



Napagod na ang beteranang aktress na si Sunshine Cruz na maningil sa itinuring niyang kaibigan na sa tingin ng marami ay nakasosyo niya sa negosyo. Ipinost na nga ni Sunshine sa kanyang Facebook account ang photo ng naging usapan, deal nila ng kaibigan niya na sinasabi niyang may atraso sa kanya.


A friend will never do such a thing. I think I’ve given her enough time to return/settle what is mine…” ayon sa Facebook post ni Sunshine.

Heto ang naging palitan ng usapan nina Sunshine at ng kaibigan niya, na itinago niya ang pangalan at pagkakakilanlan.

Friend: “Shine deliver ng load 1pm today sayng din un dec. 28 bonus.”

Sunshine: Gagalawin ko pambili ko ng car. Nakalaan sa car pero I really need to have the whole amount sa 28 kaya ba? Maiipit kasi ako sa reservation ng sasakyan.



Friends: “Oo sure Shine ikaw pa? Oo kasi bonus un. Kung kaya mo 2m sayng din 120k may collection ako sa 22 unahin ko ipadala.

Sunshine: 2m?

Friend: Oo kaya mo?

Sunshine: Sige pambili ko ng Montero sayo muna para masaya pasko ng mga tao ko. Dec. 28 promise. Thank you.”

Friend: “Oo promise. Dec. 22 ipadala ko 1m tapos 28 naman ang 1m at profit para maganda new year.



Sa huli ay nag-post si Sunshine ng… ‘But at real friend wouldn’t do that.’

Nag-react naman ang kaibigan ni Sunshine na si Aiko Melendez sa post na ‘yon at pinayuhan si Sunshine na kumuha ng abogado.

Sis hard earned money ito plus yung dumadrama pa sa ibang tao na parang siya ang kawawa. Ang off lang talaga. I just trusted kasi kaibigan ko siya.

I gave her enough time. Iniisip ko pa rin kasi yung napagsamahan namin at mga anak niya. Yeah sis wala namang ibang option but to seek legal action.

Tama seek legal action. Now na!” sagot ni Sunshine.

***
Source: Abante Tonite


Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

No comments

Powered by Blogger.